Heavy Bombers nakisalo
MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Jose Rizal University ang Investwell, 97-91 upang makisalo sa liderato sa University of Santo Tomas-Ironcon Builders sa 2011 MBL Invitational basketball championship sa JRU gym sa Shaw Blvd, Mandaluyong City.
Sumandig ang tropa ni ex-PBA stars Vergel Meneses sa balikat nina Philip Paniamogan at John Derico Lopez, binalikat ng dalawa ang opens upang matapatan ang matibay na laro ng Investwell at angkinin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa 10-team tournament na suportado ng Smart Sports, Cebuana Lhuillier, Dickies Underwear, Parola Maritime at PRC Couriers.
Tumapos si Paniamogan ng personal-high na 19 puntos, habang nagdagdag naman si Lopez ng 17 puntos para sa Heavy Bombers.
“We’re happy with the performance of the team right now. A 4-0 win-loss record in the MBL is a fitting Christmas gift to our supporters,” ani Meneses.
- Latest
- Trending