Stags Run ikinasa sa Jan. 15
MANILA, Philippines - Itatakbo ang ikalawang edisyon ng Stags Run sa Enero 15 at pakay ng nagtataguyod na mahigitan ang bilang ng tumakbo sa unang edisyon na pumalo sa 5,300 runners.
Ang mga kasali ay tatahakin ang kabuuan ng ASEANA City sa Parañaque na nasa Mall of Asia sa Macapagal Boulevard.
Tatawaging “Takbo para sa Edu-Misyon, ang kikitain ng proyekto ay ipantutulong sa OAR mission sa Sierra Leone sa West Africa bukod pa sa Casian Island sa Palawan na kung saan ang San Sebastian ay tumutulong sa educational apostolate.
“This is the second time we’re holding an event like this and like last year, we hope to get some funds to fund our educational apostolate now just in West Africa but also in our country in Palawan,” wika ng pangulo ng San Sebastian na si Fr. Anthony Morillo, OAR.
“Aside from our charitable mission, we also aim to promote physical well-being to everyone through running,” dagdag pa ni Morillo na dating pangulo ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Tumutulong sa pag-organisa ng Stags Run sina Fr. Christopher Maspara, OAR, Fr. Arnel Diaz, OAR, Dindo Bunag at athletic director Frank Gusi.
Ang patakbo ay isasabay din sa 65th founding anniversary ng San Sebastian kaya’t nananalig ang organizers na makikiisa ang mga dating nagtapos sa nasabing paaralan.
Halagang P500 ang entry fee ng mga magnanais na tumakbo sa tatlong kategorya na 3k, 5k at 10k at ang patakbo ay magsisimula sa ganap na ika-6 ng umaga.
Sina Justin Tabunda at Mercedita Manipol-Fetalvero ang hinirang na kampeon sa 5-K habang sina Mervin Guarte at Jho-An Banayag ang sa 10k at sina Michael Bacong at Michelle de Vera sa 3k karera.
- Latest
- Trending