^

PSN Palaro

Biado reresbakan si Chang sa PBB

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Pilit na ipaghihiganti ni Carlo Biado ang kababayang si Roberto Gomez laban kay Chang Jung-lin sa pagharap nila sa pagpapatuloy ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series sa Sabado sa PAGCOR Airport Casino sa Paranaque City.

 Si Chang ay sariwa sa pagkapanalo kay Roberto Gomez, 9-7, sa huling PBB series noong nagdaang Sabado upang mapangatawanan ang pagiging liyamado sa race to 9, 10-ball format, winner’s break na tagisan.

Inorganisa ng Mega Sports World at BRKHRD Corp., ang mananalo ay magkakamit ng $5000 habang ang papangalawa ay mayroong $2500 premyo.

Ang laro ay magsisimula ganap na alas-9 ng gabi at nais ni Biado na maka­bawi sa mga dayuhan tulad ng ginawa nina Francisco Bustamante, Lee Van Cor­teza at Dennis Orcollo na tinalo ang mga nakatunggali.

Ito na ang ikalawa sa huling tagisan sa Face Off na suportado rin ng Airport Casino Filipino, Billiards Managers and Players Associaton of the Philippines (BMPAP) at Philippine Star bilang media partner.

Mapapanood ito ng live sa Solar Sports, Sky Channel 70 at Destiny Channel 34 bukod pa sa live streaming sa www.megasportsworld.com at www.philippinebilliards.com.

Ang huling tagisan ay sa pagitan nina Efren “Bata” Reyes at Wu Chia Ching ng Ching ng China na gagawin sa Disyembre 30.               

Ginagawa ang palarong ito sa tulong ng Airport Casino Filipino, Crown Sound System, Malungai Life Oil, Diamond Billiard table, Hermes Sports Bar, I-Bar, Golden Leaf Restaurant, Bugsy Promotion at Mandarin Sky Sea Food Restaurant.

AIRPORT CASINO

AIRPORT CASINO FILIPINO

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATON OF THE PHILIPPINES

BUGSY PROMOTION

CARLO BIADO

CHANG JUNG

CROWN SOUND SYSTEM

DENNIS ORCOLLO

ROBERTO GOMEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with