Lady Eagles tinalo ang Tams

MANILA, Philippines - Nanatili sa ikalawang pu­westo ang Ateneo sa 74th UAAP women’s volleyball matapos pataubin ang FEU, 25-22, 25-21, 23-25, 25-20, sa larong ginanap nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.

Si Alyssa Valdez ay nag­kalat ng 21 puntos para tumibay ang paghahangad sa Most Valuable Player award sa kanyang rookie year sa seniors division.

May 11 hits si Fille Ca­inglet at ang kanyang ibi­nigay ang nakatulong sa Ateneo para maisantabi ang malakas na hamon na ibinigay ng Lady Tamaraws at kunin ang ikalimang pa­nalo sa anim na laro sa kom­petisyon.

“Napaka-consistent ni Fille. Isa siya sa dahilan kung bakit naririto kami sa second place” wika ni coach Roger Gorayeb.

Hindi na nagamit ng Lady Tamaraws si Maica Morada dahil sa kanyang mga gagawin sa FEU at com­mitment sa Meralco ang pipigil para makapag­laro sa liga.

 “After the game, Maica actually said she is having a hard time with her commitment in school and work. She eventually decided to leave the team and I supported her decision,” wika ni FEU athletic moderator Mark Molina.

Sa idinaos na men’s vol­leyball, nanalo naman ang La Salle Green Archer sa Ateneo, 25-23, 25-14, 2-12, sa kanilang tagisan.

May 17 puntos si Myco Antonio para sa Green Archers para pangunahan ang Archers sa tagumpay sa Eagles tungo sa 3-3 karta sa men’ standings.

Kumpletong dominas­yon ang ginawa ng Adam­son nang manalo sa wo­men’s at men’s division.

Si Ron Jay Galang ay gu­mawa ng 17 hits para talunin ang UP, 25-23, 25-16, 25-15, upang mahawa­kan ng Falcons ang 3-3 karta at makasalo ng UP at La Salle sa ikaapat na puwesto sa 5-1 baraha.

Magpapahinga ang labanan hanggang sa Enero 7 sa The Arena sa San Juan at magbabalik sa laro ang mainitang labanan ng Ateneo at Adamson sa wo­men’s division.

Show comments