^

PSN Palaro

Boxing career ni Donaire ngayong 2011 naging mabunga

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang matagumpay na taon para kay Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang 2011.

Noong Pebrero 19, pi­na­bagsak ni Donaire si Fer­nando Montiel sa se­cond round upang agawin sa Mexican ang mga suot nitong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight titles.

Matapos makatanggap ng suntok sa kanang ba­hagi ng kanyang ulo, gu­manti naman si Donaire sa pamamagitan ng isang left cross kay Montiel na nagpabagsak rito.

Nakatayo si Montiel at nakipaglaban kay Donaire ngunit nakatikim lamang ng left-right combination kasunod ang pagpapatigil ni referee Russell Mora sa laban matapos ang 2:25 sa second round.

Si Donaire ang na­ging ikalawang Filipino at ikatlong Asian fighter na naging isang three-division world champion.

Nauna nang nakopo ng tubong Talibon, Bohol ang International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight titles mula sa kanyang one-punch, fifth round knockout sa da­ting undefeated na si Vic Darchinyan ng Armenia noong Hulyo 7, 2007.

Ang naturang panalo ni Donaire kay Darchinyan ay hinirang ng Ring Magazine bilang “Knockout of the Year” at “Upset of the Year” noong Disyembre 23, 2007.

Noong Oktubre 22, 2011, matagumpay na nai­depensa ni Donaire ang kanyang WBC at WBO bantamweight belts nang talunin si two-division world champion Omar “El Huracán” Narvaez via unanimous decision sa Madison Square Garden sa New York.

Kasalukuyang bitbit ng 28-anyos na si Donaire ang 27-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs.

“I’m ready for whoever. Maybe after seeing that last fight, some of these guys will want to fight me since Narvaez finished the fight. I want whoever is willing to step to the challenge and fight me,” sabi ni Donaire.

Sinabi ng manager ni Donaire na si Cameron Dunkin na gusto nang umakyat ng Filipino fighter sa super bantamweight division sa hangaring ma­kakuha ng panibagong korona.

“You know 126 lbs is an option,” wika ni Dunkin. “But we are not chasing anybody. Nonito just wants to step to 122 (super bantam), get two or three fights then up to 126 (featherweight). And that could lead to 130 (super feather) and even 135 (lightweight).”

Nakatakdang laba­nan ni Donaire si Wilfredo Vázquez, Jr. (21-1-1, 18 KOs) sa Pebrero 4, 2012 para sa bakanteng WBO super bantamweight title. 

CAMERON DUNKIN

DONAIRE

EL HURAC

FILIPINO FLASH

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

KNOCKOUT OF THE YEAR

MADISON SQUARE GARDEN

MONTIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with