Mayweather himas rehas
MANILA, Philippines - Sinentensyahan ng 90 araw na pagkakakulong si Floyd Mayweather Jr. dala ng pananakit sa ina ng kanyang anak na si Josie Harris.
Inanim ni Mayweather ang nasabing pagkakamali upang hindi na masintensyahan pa sa ibang kasong isinampa sa kanya ng dating asawa at pinatawan siya ng hukuman ng tatlong buwang pagkakalulong bukod pa sa 100 oras na community service, 12 buwang domestic violence program at $2,500 fine.
Sa Enero 6, 2012 magsisimulang serbisyuhan ni Mayweather ang sintensya at magtatagal ito ng hanggang Marso 6.
Si Las Vegas Justice of the Peace Melissa Saragosa ang siyang hukom na naggawad ng sintensya kay Mayweather.
Ang kasong ito ni Mayweather ay maihahalintulad sa naging kapalaran ng dating heavyweight champion na si Mike Tyson, na sinentensyahan ng tatlong taong pagkakabilanggo dahil sa kasong panggagahasa noong 1992.
Dahil sa pangyayari kung kaya’t maaaring malagay sa alanganin ang nilulutong laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Mayweather na dapat ay kasado na sa unang mga buwan sa 2012 dahil ayos na sa Pambansang kamao ang kahit na paghingi ng mas maliit na bayad sa laban basta’t matuloy ang bakbakan.
Si Mayweather ay nagbabalak na bumalik ng ring sa Marso 5 matapos agawin ang WBC title laban kay Victor Ortiz na kanyang tinalo sa pamamagitan ng fourth round KO noong Setyembre 17.
“I just want to wish you and your family a very happy holiday and other than that, I have absolutely no comment on anything,” wika ni Top Rank Promoter Bob Arum.
Bunga nito, maaaring makaharap na lamang ni Pacquiao sina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley sa unang quarter ng 2012 ngayon nalalagay sa alanganin ang pagtutuos nila ni Mayweather.
- Latest
- Trending