Lagrio kampeon

MANILA, Philippines - Tinanghal na kampeon si Jamaica Ma­rie Lagrio ng Gen. Trias Memorial Ele­­mentary School sa katatapos na Gen. Trias Chess Federation (GTCF) tournament nitong Miyerkules sa Gen. Trias Convention Center, Cavite.

Tinalo ni Lagrio si Rizalyn Jasmine Tejada sa Sicilian Alapin Variation matapos ang 48 sulungan para sa kampeonato ng kiddies category at P2,000 premyo.

Kinuha naman ni Stephen Von Esta­villo ng Pasong Camachile Elementary School ang ikalawang puwesto para sa P1,000 premyo, habang si Camille Werba ng Gen. Antonio Ricarte Memorial School ang siyang tumersera.

Show comments