Sweep sa Sea Lions

MANILA, Philippines - Sumandig ang Olivarez College Sea Lions sa matikas na performance ni John Comeh sa endgame upang itakas ang 69-64 panalo laban sa Philippine Merchant Marine School Mariners nitong Lunes sa 19th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament.

Nagsalpak si Comeh ng triple may 38.7 segundo na lamang ang nalalabi sa laro upang trangkuhan ang Sea Lions sa pag-ukit ng kanilang kauna-unahang sweep sa elimination round matapos ang anim na laro sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.

Galing ang tres ni Cormeh mula sa pasa ni John Las­cunas na siyang bumasag sa 64-pagtatabla na siyang naging mitsa upang maagaw ng Sea Lions ang No. 1 seeding sa quarterfinal round ng naturang cagefest na suportado ng Mikasa at Molten Balls, at ANI Agrinurture, Inc.

 Samantala, pinigil naman ng Rizal Technological University Blue Thunder ang PATTS College of Aeronautics, 63-59 sa isa pang laro. 

Show comments