^

PSN Palaro

Patriots binigo ng Beermen sa titulo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nanlamig ang AirAsia Philippine Patriots sa huling yugto upang isuko ang 76-84 kabiguan sa San Miguel Beer sa pagtatapos ng ‘To Be Number One Basketball Challenge’ noong Linggo sa Nimibutr National Stadium sa Bangkok, Thailand.

Nagtala lamang ng 5 of 18 shooting sa huling yugto ang Patriots upang mawala ang inakalang momentum matapos dumikit sa 56-57 sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Si Richard Jeter, Darlon Johnson at Fil-Italian guard Chris Banchero ang siyang nagtulung-tulong sa huling 10 minuto ng bakbakan nang akuin ang 23 sa 27 puntos ng Beermen at hiranging kampeon sa apat na araw na pre-sea­son na ang layunin ay makakalap ng pondo upang itulong sa mga nabiktima ng malawakang pagbaha noong nakaraang buwan.

Si Johnson ay may 17 puntos tulad ni Jun Jun Cabatu habang16 at 13 ang ibinigay nina Banchero at Jeter para sa balanseng pag-atake ng San Miguel Beer na expansion team mula sa Pilipinas.

May 26 at 24 puntos ang mga Patriots imports na sina Anthony Johnson at Nakiea Miller pero wala ng local players ang pumasok sa double-digits na ininda ng koponan.

Bigo man sa misyong madomina ang liga, may li­wanag pa ring nakikita si rookie coach Glenn Capacio upang maging matibay ang paniniwalang kaya pa rin ng koponang pag-aari nina Dr. Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco na magkampeon sa 3rd season ng AirAsia ASEAN Basketball League na magbubukas sa Enero 14.

“Isang buwan pa lang ang preparasyon namin at talagang kulang pa kaya mas deserving manalo ang kalaban namin. Ang maganda rin sa paglahok natin ay nakita namin kung sino ang maituturing na malalakas na koponan at mas makakapaghanda kami sa pagbubukas ng ABL season,” wika ni Capacio. 

Nanalo naman ang Singapore Slingers sa host Thailand, 68-60, para makuha ang ikatlong puwesto habang ang Indonesia Warriors ay nakalusot sa Saigon Heat, 78-75, para sa ikalimang puwesto .

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

CHRIS BANCHERO

DARLON JOHNSON

DR. MIKEE ROMERO

GLENN CAPACIO

HARBOUR CENTRE

INDONESIA WARRIORS

JUN JUN CABATU

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with