^

PSN Palaro

Tigresses sinakmal ang Lady Bulldogs

-

MANILA, Philippines - Kinuha ng University of Santo Tomas ang ka­nilang pang-apat na sunod na panalo sa UAAP Season 74 wo­men’s volleyball tournament.

Ito ay matapos nilang igupo ang National University, 25-11, 25-21, 25-18, kahapon sa The Arena sa San Juan.

Humataw si Maru Banaticla ng 15 hits para sa Tig­resses, habang may tig-8 points naman sina Maika Ortiz at Midori Hirotsuji.

“The girls’ morale at this point is high, and they im­pro­ved a lot on their serves,” sabi ni UST coach Odjie Ma­­mon.

Nagsalpak rin ang Tigresses ng limang service aces, dalawa rito ay mula kay setter Rhea Dimaculangan, laban sa Lady Bulldogs.

May 4-2 rekord ngayon ang UST matapos ang ka­nilang 0-2 simula at isasara nila ang first round eliminations laban sa nagdedepensang De La Salle.

DE LA SALLE

LADY BULLDOGS

MAIKA ORTIZ

MARU BANATICLA

MIDORI HIROTSUJI

NATIONAL UNIVERSITY

ODJIE MA

RHEA DIMACULANGAN

SAN JUAN

SHY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with