MANILA, Philippines - Mas magpupursigi ang Philippine Sports Commission (PSC) upang makaengganyo ng mas maraming kalahok sa 2012 Batang Pinoy.
Masasabing hindi naisakatuparan ng PSC ang adhikain na tapikin ang mga Local Government Units (LGUs) na sumali sa revival ng kompetisyon para sa edad 15-anyos pababa nang umabot lamang sa 89 mula sa libong LGUs ang sumali sa National Finals na ginanap kamakailan sa Naga City.
Isa sa dahilan ng kakulangan ng kalahok na LGUs ay ang kakulangan ng oras na makabuo ng panlabang delegasyon dahil kalahati na ng taong 2011 inanunsyo ang pagbabalik ng Batang Pinoy.
Pero kung may magandang balita, ito ay ang pangako na patuloy ng pagsuporta ng mga sponsors sa Batang Pinoy sa pangunguna na ng Summit Natural Drinking Water na siyang official water ng Philippine Olympic Committee (POC).
“Summit Natural Drinking Water believes in the potential of our youth athletes and we salute the PSC in its continuing mission to discover and develop athletes who aspire, perspire and inspire,” wika ni Eli Malicdem na siyang brand manager ng Summit.
Ang Baguio City ang siyang lumabas na overall champion sa nagdaang National Finals nang talunin ang Laguna, Manila at Quezon City na mas kilala sa kanilang magagandang sports programs.