^

PSN Palaro

PSC paghahandaan ang 2012 Batang Pinoy

-

MANILA, Philippines - Mas magpupursigi ang Philippine Sports Commission (PSC) upang makaengganyo ng mas maraming kalahok sa 2012 Batang Pinoy.

Masasabing hindi naisakatuparan ng PSC ang adhikain na tapikin ang mga Local Government Units (LGUs) na sumali sa revival ng kompetisyon para sa edad 15-anyos pababa nang umabot lamang sa 89 mula sa libong LGUs ang sumali sa National Finals na ginanap kamakailan sa Naga City.

Isa sa dahilan ng kaku­la­ngan ng kalahok na LGUs ay ang kakulangan ng oras na makabuo ng pan­labang delegasyon da­hil kalahati na ng taong 2011 inanunsyo ang pagbabalik ng Batang Pinoy.

Pero kung may magandang balita, ito ay ang pa­ngako na patuloy ng pagsuporta ng mga sponsors sa Batang Pinoy sa pangu­nguna na ng Summit Natural Drinking Water na siyang official water ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Summit Natural Drin­king Water believes in the potential of our youth athletes and we salute the PSC in its continuing mission to dis­cover and develop athletes who aspire, perspire and inspire,” wika ni Eli Malicdem na siyang brand manager ng Summit.

Ang Baguio City ang si­­yang lumabas na overall champion sa nagdaang Na­tional Finals nang ta­lunin ang Laguna, Manila at Quezon City na mas kilala sa kanilang magagandang sports programs.

vuukle comment

ANG BAGUIO CITY

BATANG PINOY

DRINKING WATER

ELI MALICDEM

LOCAL GOVERNMENT UNITS

NAGA CITY

NATIONAL FINALS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with