^

PSN Palaro

Tigers, Llamados magpapatayan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Mula sa kanilang pagpigil sa eight-game winning streak ng Llamados, tatangkain namang walisin ng Tigers ang kanilang best-of-three quarterfinals series.

Magtatagpong muli ang No. 1 B-Meg at No. 8 Po­werade sa isang ‘sudden-death’ match ngayong alas-6 ng gabi sa 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang mananalo ang ma­­kakasagupa ng magwa­wagi sa quarterfinals showdown ng No. 4 Barangay Ginebra at No. 5 Rain or Shine para sa best-of-seven semifinals series na magsisimula sa Enero 4, 2012.

Bumangon ang Elasto Painters mula sa isang 17-point deficit sa third period patungo sa 112-105 ovetime win laban sa Gin Kings sa Game One noong Biyernes ng gabi.

Pinuwersa ng Tigers ang Llamados sa isang ‘winner-take-all’ game nang angkinin ang malaking 97-88 panalo noong Miyerkules na tinampukan ng 32 points ni Gary David at 24 ni rookie Marcio Lassiter.

Ang B-Meg at nagde­depensang No. 2 Talk ‘N Text, sinibak ang No. 7 Ba­­rako Bull papasok sa se­mifinals, ay nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Ang Tropang Texters ang siyang sasagupa sa mananalo sa serye ng No. 3 Petron Blaze Boosters at No. 6 Meralco Bolts sa semis.

“I think there is no doubt in the minds of our players that we can really compete,” sabi ni coach Bo Perasol sa kanyang Po­werade. “Even before we knew who we were going up against in the quarterfinals, we already knew we could match up with any team.”

Huling nakapasok sa semis ang Tigers noong 2004 Fiesta Conference at sa Philippine Cup noong 2003.

Bagamat nakuha ang 1-0 lead, sinabi ni Perasol na wala pang dahilan para sila magdiwang laban sa Llamados ni Tim Cone, nagbigay ng 14 PBA championships sa Alaska Aces.

“The series is not over. What we did is just get a knockout game. But who knows if we can also get that. We’ll take our chances on Sunday,” ani Perasol.

Sa kasaysayan ng PBA playoffs, dalawang beses lang nangyari na ang No. 1 team ay sinibak ng isang No. 8 squad.

Tinalo ng No. 8 San Miguel ang No. 1 Talk ‘N Text sa 2002 Governors Cup quarterfinals at binigo ng No. 8 Ginebra ang No. 1 Mobiline sa 1999 All-Filipino Cup quarterfinals.

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ANG B-MEG

ANG TROPANG TEXTERS

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

LLAMADOS

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with