^

PSN Palaro

Lionesses, Lady Stags lumapit sa semis

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nangibabaw ang San Beda at San Sebastian sa kanilang mga nakalaban upang mapalakas ang pag­hahabol sa semifinals ng NCAA women’s volleyball kahapon sa Letran Gym.

Kinailangan ng Lio­nes­ses ang limang sets, 25-23, 24-26, 24-26, 25-19, 15-8, para talunin ang Arellano Lady Chiefs habang sa mas madaling 25-20, 25-10, 25-22, nanalo ang Lady Stags sa Jose Rizal University Lady Bombers.

Ang mga panalong ito ay nag-angat sa San Beda at nagdedepensang San Sebastian sa 4-2 karta upang magkasalo sa ikatlong puwesto.

Pinuri ni San Beda coach Ryan Jeorge Sucal­dito ang nakitang determinasyon sa kanyang manlalaro kaya’t tumitibay ang paniniwalang may ilalaban sila kung titulo ang pag-uusapan.

Nalaglag ang JRU sa 1-5 habang 3-3 karta naman ang nangyari sa Arellano. Nakaabante naman ang Chiefs sa semifinals nang manalo sa Red Lions, 25-20, 16-25, 24-26, 25-18, 15-10, sa laro sa ka­lalakihan.

“Gusto kong makita na naka-focus sila sa laro. Nagsisipag sila masaya at nagtutulungan sa loob bukod sa may communication. Kaya magandang pamasko itong panalo na ito sa amin,” ani Sucaldito.

Nalaglag ang JRU sa 1-5 habang 3-3 karta naman ang nangyari sa Arellano sa mga naganap na kabiguan.

Nakaabante naman ang Chiefs sa semifinals nang manalo sa Red Lions, 25-20, 16-25, 24-26, 25-18, 15-10, sa laro sa ka­lalakihan.

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

JOSE RIZAL UNIVERSITY LADY BOMBERS

LADY STAGS

LETRAN GYM

NAKAABANTE

NALAGLAG

RED LIONS

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with