MANILA, Philippines - Inangkin nina American rider Tiger Lacey at Dennis Stapleton ang una at ikalawang puwesto sa International Pro sa huling yugto ng Enersel Forte Philippine National Motocross Series noong Disyembre 10 at 11 sa Lanao Del Norte.
Pumangatlo si Bornok Mangosong kasunod sina American Nathan Tieney, Glenn Aguilar, minsan nang nakilalang Asian Rider of the Year, at si Golden Wheel awardee Donark Yuzon.
Ang unang Asian Motocross champion na si Aguilar, nanguna sa serye mula pa noong unang yugto, ang siya pa ring nagdomina sa Pro Open.
Sinundan siya ni Yuzon at Mangosong sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Ang acoustic heartthrob na si Sam Milby ang bumandera sa Celebrity category kasunod nina Jordan at Mikael Banaag.
Ang trainer naman ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez ang pumang apat.
Nagtapos din si Milby bilang pang siyam sa Beginner Open Prod.
Mahigpit din ang labanan nina Kimboy Pineda, Yuzon at Ted Conde sa Expert category, habang nangunang muIi si Pia Gabriel sa Ladies category kung saan pangalawa at pangatlo sina Baby Dimaporo at Rivica Pepito.