^

PSN Palaro

11 Davao pugs susuntok sa finals ng PLDT-ABAP Mindanao tourney

-

PANABO CITY, Philippines – Nagpasok ang Davao del Norte ng 11 boxers sa gold medal round ng PLDT-ABAP Mindanao tournament sa agawan sa overall champion­ship dito sa ARF covered court.

Walong pambato naman ng Misamis Oriental ang umabante sa finals sa kabila ng kabiguan ni light­weight Samboy Lao la­ban sa lahok ng Bula, Ge­neral Santos sa junior boys semifinals.

Nakasingit ang GenSan ng apat patungo sa fi­nals, habang may tatlo ang Surigao-South Cotaba­to, tig-dalawa ang Gingoog City at Sarangani, Ca­miguin, Kidapawan, Calinan (Davao City) at Manolo Fortich at tig-isa sa Aglayan (Bukidnon) at Compostela Valley.

Sina Ricky Vargas, pa­ngulo ng Maynilad Water at ABAP, at Patrick Gregorio, ang ABAP secretary-general, ang magbibigay ng mga medalya kasama si ABAP executive director Ed Picson.

Nakalinya ang mga gold medal round sa kiddies (11 at 12-anyos), school boys (13 at 14), ju­nior boys (15 at 16) at youth (17 at 18).

Ang mga prominenteng lalaban sa finals ay ang Red-and-Blue Davao team na magpaparada ki­na Rabicyle Gabriel, isang 32-19 winner kay Isagani Llaban ng MisOr sa 46 kilograms sa junior boys di­vision at Rolen Alvan Ma­garce, pinasuko si Jorson Rapista ng Gingoog sa first round sa 60 kg. lightweight category.

Pinabagsak naman ni ban­tamweight Jeson Umbal si Davao del Norte bet Radje Tabanao.

May dalawang minuto sa third round nang kumonekta si Umbal ng isang right cross-left straight combination na nagpatumba kay Tabanao.

Ang Visayas edition ng PLDT-ABAP talent search program ay sa Dumaguete City sa Enero ng susunod na taon at ang National Championship ay sa Tagbilaran sa Pebrero.

ANG VISAYAS

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO

DAVAO CITY

DUMAGUETE CITY

ED PICSON

GINGOOG CITY

ISAGANI LLABAN

JESON UMBAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with