NAGA CITY, Philippines - Humakot ng apat na ginto ang jins ng Baguio City sa taekwondo para hiranging overall champion sa katatapos na 2011 Batang Pinoy National Finals sa Naga City.
Sina girls Suzzaine Gleen Caslangen (lightweight) at Brighty Rio Marie Salazar (heavyweight) ay nakasama nina boy’s Christian Duntungan (finweight) at Tristan Dale Cagaya (flyweight) upang magkaroon ng kabuuang 23 ginto ang City of Pines delegation bukod pa sa 13 pilak at 19 bronze medals.
Nalaglag sa ikalawang puwesto ang naunang lumamang na Laguna sa 21-19-24 habang ang Zamboanga City ang pumangatlo sa 16-9-5 medal tally.
Nasa ikaapat na puwesto ang Manila sa 15-109-12 habang ang Quezon City ang tumapos sa ikalima sa 9-18-15.
Kinumpleto naman ng magkapatid na sina Rafael at Roberto Miguel Jalnaiz ang magandang ipinakita sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission katuwang ang Smart at Summit Mineral Water, nang manalo ng ginto sa boxing sa mga dibisyong minimumweight (38kg) at paperweight (44kg).
Lumabas naman bilang atletang may pinakamara-ming medalya ay si Mark Anthony Diesto ng Bacolod City nang manalo sa 100m dash (13.15s), long jump (5m), triple jump (10.55m) classical relay (2:29.44) at 4x100 relay (51.59s).