MANILA, Philippines - Magtatagpo ang nangungunang De La Salle at ang nangungulelat na University of the Philippines (UP) ngayong alas-2 ng hapon sa UAAP Season 74 women’s volleyball sa Arena sa San Juan.
Target ng Lady Archers ang kanilang pang limang sunod na panalo laban sa Lady Maroons na may 0-4 baraha.
Puntirya naman ng University of Santo Tomas Tigresses ang kanilang pangatlong dikit na ratsada laban sa University of the East Lady Warriors sa alas-3:30.
Sa men’s division, maglalaban naman ang UST Tigers at ang National University Bulldogs sa alas-9 ng umaga kasunod ang laro ng Far Eastern University Tamaraws at UE Warriors sa alas-10:30.
Nagmula ang Lady Archers sa isang marathon five-set victory laban sa FEU, 25-22, 25-15, 23-25, 23-25, 15-11.
Posibleng hindi makalaro para sa De La Salle si rookie Camille Cruz, na nagkaroon ng knee injury sa third set sa kanilang laro ng FEU.
Muling aasahan ng Lady Archers sina Abigail Maraño, top blocker Michelle Gumabao, Cha Cruz, Mika Reyes, Ara Galang at setter Mika Esperanza.
Nagmula ang Lady Maroons sa isang 25-22, 15-25, 16-25, 18-25 kabiguan sa Tigresses.