Diesto naka-3 gold na; upset yumanig sa badminton sa BP
NAGA CITY ,Philippines --Isang triple gold medalist mula sa Bacolod City, ilang upset sa badminton at dominasyon ng Davao City sa judo ang nagtampok sa huling araw ng Batang Pinoy dito sa Metro Naga Sports Complex.
Kinuha ni Bacolod pride Mary Antoinette Diesto ang gintong medalya sa 100-meter dash sa kanyang bilis na 13.15 seconds matapos na ring pagreynahan ang triple jump at long jump sa four-day meet na maglalaan ng tiket para sa 2014 World Youth Olympics sa Nanjing, China.
Umagaw rin ng ginto ang Baguio City sa pamamagitan ni Angela Carunungan sa 200m sa oras na 27.13 seconds at sa high jump sa kanyang lundag na 11.45m, habang nanguna si Agustina Anganayon sa 3,000m sa kanyang 11:41.11.
Si Dustin Jurell de Vega ng Antipolo ang namayani sa boys’ 200m sa kanyang 23.32 para kumpletuhin ang sprint double.
Sina Malolos bet John Edgard Reyes at Laguna pride Joella de Vera ang gumitla kina Josh Maquelabit ng Maasin City, 21-19, 21-14, at Ma. Elisha Ongcuanco ng Santiago City, 21-19, 21-12, sa badminton, ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending