^

PSN Palaro

Laguna binigyan nina Bondad, Herranz ng 6 gold

- Joey Villar -

NAGA, Philippines --Umarangkada agad sina Catherine Bon­dad at Ariana Herranz ng tig-tatlong ginto para pa­ngu­nahan ang sampung gin­to na hinablot ng Laguna sa swimming competition sa pagsisimula ng 2011 Batang Pinoy National Finals sa iba’t ibang palaruan sa Naga City.

Sina Bondad at Herranz ang mga multi-gold meda­list sa Southern Luzon qualifying leg at napanatili ang init ng paglalangoy nang si Bondad ay manalo sa girls 12-13 200m free, 50m free at 100m back habang si Herranz ay nangibabaw sa 14-15 200m medley, 200m free at 100m backstroke.

Samantala, nagpasikat din agad ang mga atleta ng Baguio City sa athletics habang ang bagong pasok sa national pool sa triathlon na si Allen Santiago ang nag-uwi ng ginto sa boys triathlon sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado ng Smart Summit Mineral Water.

Sina Gio Bryan Malinao ay nanaig sa boys 110m hurdles (15.84 seconds) habang ang kakamping si Jasmin Felix ang nanalo sa 100m hurdles (15.92 seconds).

Ang iba pang kuminang sa track and field ay sina Garry Santiago ng UST-Manila sa boys shotput (15:04m), Mary Antoinette Diesto ng Bacolod sa girls long jump (5.00m), Kimberly Dangli ng Davao del Norte sa girls shotput (9.19m) at John Arnel Huerta ng Municipality ng Alberto Castaneda sa boys long jump (6.00m).

May 19.04 tiyempo si Santiago sa 250m swim, 5km bike at 1.2 km run para pangunahan ang boys triathlon habang si Jessica Salazar ng Laguna ang nanalo sa kababaihan sa 22:24 tiyempo.

Suportado rin ng Milo, Standard Insurance, Aboi­­tiz, Negros Navigation, RELIV Now for Kids, Growee Multivitamins at British Coun­cil, ang torneo ay ki­­na­tatampukan ng mga gold at silver medalists sa naunang limang regional eliminations.

ALBERTO CASTANEDA

ALLEN SANTIAGO

ARIANA HERRANZ

BAGUIO CITY

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

BRITISH COUN

CATHERINE BON

GARRY SANTIAGO

GROWEE MULTIVITAMINS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with