^

PSN Palaro

Paul inilalako pa rin ng Hornets alinman sa Lakers o Rockets

-

WESTWEGO, La.--Muling binuksan ng New Orleans Hornets ang trade talks para sa All-Star guard na si Chris Paul.

“We’re talking about everything. Everything is on the table,” sabi ni Hornets’ general manager Dell Demps matapos ibasura ng NBA ang naunang trade proposal para kay Paul.

Nang tanungin kung nakikipag-usap siya alinman sa Los Angeles Lakers at Houston Rockets para sa isang trade, hindi ito tuwirang sinagot ni Demps.

Gusto sanang ibigay ng Hornets, pagmamay-ari ngayon ng NBA, ang 26-anyos na si Paul, bagamat nakipag-ensayo sa Hornets’ suburban training center ay hindi pinayagan ng koponan na makipag-usap sa mga reporters, sa Lakers para sa isang trade.

Ngunit ito ay ibinasura ng NBA.

Sinabi ni Demps na binigyan siya ng NBA ng auto- nomy para sa isang trade sa naturang four-time All-Star.

“It would be real easy if Chris signed the extension but the reality is he didn’t sign the extension, so we have to do everything we can for the organization,” wika ni Demps. “I wish he’d stay. I’m not going to lie about it.

Isang three-team deal ang inayos na ng Hornets kung saan mahuhugot sana nila si Lamar Odom mula sa La­kers, habang mapupunta naman si Pau Gasol sa Rockets.

Ibibigay rin sana ng Rockets sina Luis Scola, Kevin Martin at Goran Dragic sa Hornets kasama ang isang 2012 first-round draft choice.

vuukle comment

CHRIS

CHRIS PAUL

DELL DEMPS

DEMPS

HOUSTON ROCKETS

KEVIN MARTIN

LAMAR ODOM

LOS ANGELES LAKERS

LUIS SCOLA

NEW ORLEANS HORNETS

PAU GASOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with