^

PSN Palaro

Lady Altas, Generals maghihiwalay ng landas

-

MANILA, Philippines - Mapanatili ang malinis na kartada ang nais ita­la ng tatlong koponan ng host University of Perpetual Help System Dalta sa pagpapatuloy ng 87th NCAA volleyball ngayon sa Letran Gym.

Tampok na laro ay sa Lady Altas na babanggain ang EAC Lady Generals dakong alas-9 ng umaga na bakbakan ng dalawang nangungunang koponan sa women's division.

Parehong hindi pa nata­talo ang magkabilang koponan sa torneo matapos ang apat na laro kaya't ang magwawagi ang hahawak sa solo liderato sa kanilang dibisyon.

“Habang tumatagal ay lalong tumataas ang challenge sa team dahil lahat ng koponan ay nais na ta­lunin kami. Kaya dapat hindi mawala ang intensity sa laro," ani coach Mike Rafael.

Unang sasalang ang Junior Altas at nais nilang kunin ang ikalawang sunod na panalo laban sa Junior Blazers sa ganap na alas-8 ng umaga habang ang Al­tas ay makikipagsukatan sa Generals sa men's division dakong alas-10 ng umaga.

Ang nagdedepensang kampeon na Altas ay hindi pa natatalo matapos ang tatlong laro at kung palarin pa sa Generals ay mananatili sa kasalukuyang puwesto kundi man ay maluklok sa tuktok ng dibisyon.

Ito ay kung masisilat ng St. Benilde Blazers (3-0) ang nangungunang Arellano (4-0) sa kanilang tagisan dakong alas-3 ng hapon.

ALTAS

ARELLANO

JUNIOR ALTAS

JUNIOR BLAZERS

LADY ALTAS

LADY GENERALS

LETRAN GYM

MIKE RAFAEL

ST. BENILDE BLAZERS

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with