^

PSN Palaro

Wala pang nangyayari

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat sinabi na ni Manny Pacquiao na 80 hanggang 90 porsiyento nang matutuloy ang ka­nilang salpukan ni Floyd Mayweather, Jr., wala pa ring nangyayaring mala­king hakbang para ito maitakda.

Sa isang panayam ka­sabay ng pagdiriwang niya sa kanyang pang 80 kaarawan kahapon, si­nabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na wala pang solidong nangyaya­ring negosasyon para sa naturang mega-fight na kaagad na iniskedyul sa Mayo 5, 2012.

“The investors would be mainly US-based, some of them with partners outside of the American soil,” ani Arum. “Definitely, the fight would be staged in the US. We will announce the relevant details in due time once we formally meet Floyd Mayweather, Jr. and his party.”

Inihayag kamakailan ni Pacquiao, may 54-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, na kumpirmado nang matutuloy ang kanilang salpukan ni Mayweather (42-0-0, 26 KOs) sa Mayo 5, 2012.

“I am waiting. There's no negotiation with Pacquiao camp yet at this time,” sabi ng 34-anyos na si Mayweather, isang five-division world champion, kaugnay sa estado ng usapan para sa kanilang suntukan ng Filipino world eight-division king.

Umaasa si Arum na mapaplantsa ang negosas­yon para sa Pacquiao-May­weather showdown bago matapos ang taon.

“I'll tell you the truth. My guy (Pacquiao) wants that fight. He really wants that fight. I want that fight. And I want it to happen next. I believe Floyd wants that fight to happen. Now how it happens, how we go about doing it, that's a little difficult. The difference in perso­nalities between Manny and Floyd is just tremendous,” ani Arum. “Hopefully, we'll be able before the new year to bridge that gap and make that fight happen.”

Kung muling bumagsak naman ang negosasyon kay Mayweather, ang op­syon ni Arum ay ang pang apat na laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez (53-6-1, 39 KOs).

BOB ARUM

FIGHT

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

MANNY AND FLOYD

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with