MANILA, Philippines - Nakataya ang walong puwesto para sa main draw ng Pacman Interna-tional 10-Ball Cup, ang paglala-banan simula ngayong araw sa Star Biliards Center sa Quezon City.
Kinumpirma ni tournament director Edgar Acaba na papayagan ang mga local cue artist na sumabak sa nasabing torneo para makasungkit ng slot sa main draw na inaasahang hahatak ng ilang mga mahuhusay na manlalaro sa mundo kung saan paglalabanan ang kabuuang premyo na $60,000 na ibinigay ni eight-division world boxing champion at bagong pool patron Manny Pacquiao.
Ayon pa kay Acaba, na siya ring secretary general ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines, dalawa ang mananalo araw-araw simula ngayon hanggang sa Disyembre 12 at ang mga manlalaro na nabigong mag-qualify ay mayroon pang pagkakataon na muling sumargo sa susunod na araw.
Magsisimula ang main draw ng Pacman International 10-Ball Cup sa Disyembre 13.
Para sa detalye. tumawag kay Joel Calzado (09335077259) at Michael Tan (0932111111).