^

PSN Palaro

7 Summit seselyuhan ni Garduce

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Halos 10 taon makalipas ang una niyang pag-akyat sa Mt. Kilimanjaro sa Africa noong 2002, tatangkain ni veteran mountai­neer Romi Garduce na mu­ling ilagay ang Pilipinas sa global map.

Nakatakdang akyatin ng 42-anyos na si Garduce ang Vinson Massif sa Antartica kasama ang GMA Network, Inc. at ang kaibigang si Levi Nayahangan.

Si Nahayangan ang magdodokumento ng ka­ni­lang pag-akyat ni Garduce gamit ang isang camera at susuportahan ng Primer Group of Companies.

Ang Vinson Massif ay may taas na 16,067 feet at nangangailangan ng matinding preparasyon, ayon kay Garduce, isang IT (Information Techno­logy) expert sa Procter and Gamble.

“Actually, hindi pa tapos ‘yung training ko. Nagsisi­mula pa lang ako kumbaga two weeks before ako umalis patungong Antartica,” wika ni Garduce, unang umakyat ng bundok noong 1991 bilang miyembro ng University of the Philippines Montaineers (UPM).

Unang inakyat ng tubong Balanga, Bataan ang Mt.Kilimanjaro sa Africa noong 2002 na may taas na 19,340 feet kasunod ang Mt. Aconcagua sa South America (22,841) noong 2005, ang Mt. Eve­rest (29,035) sa Nepal noong 2006, ang Mt. Elbrus (18,510) sa Europa noong 2007, ang Denali Peak (20,320) sa North America noong 2008 at ang Mt. Kosciousko (17,025) sa Australia noong 2008.

Huling narating ni Garduce ang Carstenz Pyramid (16,023) sa Indo­nesia, ang pinakamataas sa Australia/Oceania region, noong Hulyo nitong taon.

“Hindi ko na iniisip kung ako ang magiging unang Pinoy, o record itong gagawin ko,” ani Garduce.”It’s really the experience na ginagawa ko kasi I love climbing, I love the adventure. Kumbaga you’re putting you in touch with nature, exposing yourself with the different culture.”

ANG VINSON MASSIF

ANTARTICA

CARSTENZ PYRAMID

DENALI PEAK

GARDUCE

INFORMATION TECHNO

LEVI NAYAHANGAN

MT. ACONCAGUA

NOONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with