^

PSN Palaro

Gold at Silver medalist magpapasiklaban Judgment day na sa BP

-

MANILA, Philippines - Labanan sa hanay ng mga edad 15 anyos pababang atleta na nanalo sa mga naunang qualifying legs ang ma­tutunghayan mula bukas sa pagsisimula ng 2011 Ba­tang Pinoy National Finals sa Gov. San Luis Sports Complex sa Naga City.

Ang mga gold at silver medalist sa idinaos na anim na regional eliminations ang magkikita-kita at magpapasiklaban sa hangaring maisama sa potensyal na kandidato para sa national pool na huhubugin ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Youth Olympic Games sa 2014 sa Nanjing, China.

“Layunin ng pagbabalik ng Batang Pinoy ang matuklasan ang mga batang may potensyal at ngayon ay magkakaroon ang mga ito ng pagkakataon na ipakita nila na sila nga ang mga puwedeng pumalit sa kasalukuyang pambato ng bansa sa larangan ng palakasan,” wika ni PSC Commissioner Chito Loyzaga.

Ilan sa mga batang atleta na tututukan sa apat na araw na palaro na inorganisa ng PSC katuwang ang Smart at Summit Mineral Water bukod pa sa suporta ng Milo, Jollibee, Negros Navigation, Aboitiz, Kids 3 Food Supplement, RELIV Now For Kids at Growee Multivitamins ay sina Bianca Roxas-Chua Gotuaco at Nina Carmela Zamora na lumusot sa NCR qualifying.

Si Chua-Gotuaco ang nakapagtala ng pinakamataas na iskor sa lahat ng mga nanalo sa Double FITA 18-meter at Olympic round habang si Zamora ay hindi natalo ng isang set sa larangan ng girls badminton.

Edad 14 si Gotuaco at 13 si Zamora at ang dalawa ay pasok na pasok sa Youth Olympic Games.

BATANG PINOY

BIANCA ROXAS-CHUA GOTUACO

COMMISSIONER CHITO LOYZAGA

FOOD SUPPLEMENT

GROWEE MULTIVITAMINS

NAGA CITY

NEGROS NAVIGATION

NINA CARMELA ZAMORA

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with