^

PSN Palaro

Llamados inangkin ang twice-to-beat

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, nakamit ng Llamados ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round kasabay ng pagpapalasap sa Clickers ng pinakamasamang win-loss record sa 37 taon ng Philippine Basketball Association.

Ito ay matapos talu­nin ng B-Meg ang talsik nang Shopinas.com, 86-74, upang dumiretso sa kanilang pang walong su­nod na arangkada sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

May 10-4 baraha nga­yon ang B-Meg sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text (10-3) kasunod ang Petron Blaze (9-5), Rain or Shine (8-5), Meralco (8-6), Barangay Ginebra (7-5), Barako Bull (6-7), Powerade (6-8) at mga sibak nang Alaska (3-10) at Shopinas.com (0-14).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Kings at Ener­gy habang isinusulat ito.

Ang 0-14 baraha naman ng Clickers ang pi­n­a­kamasamang kartada ng isang koponan sa PBA matapos ang 0-13 ng Great Taste sa 1982 All-Filipino Cup at ang 0-13 ng Country Fair sa 1984 Reinforced Conference.

Ang Shopinas.com ang pangatlong team na hindi nanalo sa isang confe­rence matapos ang Air21 (2011 Governors Cup) at Pop Cola (1999 Governors Cup).

Kaagad na kinuha ng B-Meg ang 19-2 abante sa 4:38 ng first period mula sa isang three-point shot ni Josh Urbiztondo bago inilub­lob ang Shopinas.com sa 37-15 sa 7:55 ng second quarter galing sa basket ni Yancy De Ocampo.

ALL-FILIPINO CUP

ANG SHOPINAS

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

COUNTRY FAIR

GOVERNORS CUP

GREAT TASTE

SHOPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with