MANILA, Philippines - Iniluklok kahapon si five-time Trainer of the Year Freddie Roach sa International Boxing Hall of Fame.
“I’d like to thank everyone, from the bottom of my heart, who voted for me and congratulate those inducted with me today,” sabi ng 51-anyos na si Roach, ang gumiya kay Manny Pacquiao para maging Filipino world eight-division champion.
Si Roach ay hinirang na Trainer of the Year ng Boxing Writers Association of America (BWAA) noong 2003, 2006, 2008, 2009 at 2010.
Bukod kay Pacquiao, nasa kampo rin ni Roach sina IBF at WBA light-welterweight champion Amir Khan, top prospects Jose Benavidez, Peter Quillin at Julio César Chávez, Jr. pati na si dating two-times women world champion Lucia Rijker.
Nakitaan si Roach ng Parkinson’s disease at pinilit ni trainer Eddie Futch na magretiro. Ngunit hindi ito sinunod ni Roach at sa halip ay nagpatuloy sa pakikipaglaban kasama ang kanyang father/trainer.
Natalo si Roach, bumibisita sa Pilipinas para sa training camp nila ni Pacquiao sa Baguio City, sa lima sa kanyang huling anim na laban bago magretiro sa edad na 26-anyos.
Tinapos ni Roach ang kanyang boxing career na may 40-13-0 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs.