MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon ang ikaapat na season ng Central Luzon Amateur School Sports Invitational Championship (CLASSIC) sa Colegio de Sebastian sa San Fernando, Pampanga.
Gaganapin ang opening rites sa alas-8:00 ng umaga at agad sisimulan ang aksiyon sa tatlong sports events na gagawin ng sabay-sabay at sunud-sunod ang mga laban sa loob ng tatlong araw lamang.
Maglalaban-laban ang 12 member schools sa mga larong basketball sa Colegeio De San Sebastian kasabay ng volleyball at table tennis sa Infant Jesus Academy sa men, women at highschool divisions.
Bukod sa host schools na Colegio de San Sebastian at Infant Jesus Academy, ang iba pang kasaling paaralan ay ang Guagua National Colleges, Don Bosco Academy, Systems Plus College, Infant Jesus Integrated School, Pampanga High School, Don Honorio Ventura Technical State University, Mary the Queen College, Holy Angel University, at Assumption Pampanga Club.
Ang presidente ng Colegio de San Sebastian na si Mrs. Carina Pagcu ang magdedeklara ng pormal na pagbubukas ng kompetisyon at magsasagawa ng ceremonial toss kasama ang lahat ng school heads.
Pinangungunahan ni May Sarmiento-Flores ang Committee members bilang chairman kasama sina Philip Liongson, Technical Chairman at Aivy Pagcu, Finance/Secretary General.