^

PSN Palaro

Gems, Jeans makers magkasalo pa rin

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Maagang nagtrabaho ang Freego Jeans upang ma­kalayo agad sa Big Chill tungo sa 78-46 panalo sa PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa Adamson University Gym.

Binulaga ng bataan ni coach Leo Austria ang Super Chargers ng 10-2 start sa ikalawang yugto para ha­wakan ang 28-9 kalamangan at lumawig pa ito sa 40-20 ilang minuto bago natapos ang first half.

Mula rito ay hindi na nili­ngon pa ng Jeans Makers ang kalaban para makaba­ngon mula sa 62-78 kabiguan sa Dub Unlimited sa huling laban.

“Palagay ko ay nasa qua­rterfinals na kami pero kailangan pa naming manalo lalo na sa NLEX sa next game para makapasok na sa semifinals.

Ang laban ay nadungi­san ng paniniko ni Jewel Ponferada ng Super Chargers kay John Lopez na nag­resulta sa pagputok ng labi ng huli.

Napatalsik sa laro ang 6’4 center at inaasahang ipa­tatawag ng Commissio­ner’s Office para pagpaliwanagin sa unsportsmanlike action na ito.

May 20 puntos si Janus Lozada para pangunahan ang koponan na dinomina rin ang rebounding, 60-32.

Ito ang ikaanim na pa­nalo sa pitong laro ng Jeans Makers na patuloy na kasalo sa liderato ang Cebuana Lhuillier na unang hiniritan ng 76-67 panalo ang palaban pero kinapos na PC Gilmore sa unang bakbakan.

Nagpakawala ng dalawang tres at walong puntos si Jai Reyes habang ang depensa ng Gems ay nagbigay lamang ng dalawang puntos sa huling 3:56 ng bakbakan upang makaba­ngon ang Gems mula sa 60-65 iskor.

May 16 puntos si Reyes bukod pa sa apat na rebounds, 4 assists at 3 steals habang si Vic Manuel ang nanguna sa Gems sa kanyang 18 puntos at si Terrence Romeo ay mayroong 17.

 Nalaglag ang Wizards sa ikaapat na sunod na ka­biguan at naapektuhan ang koponan.

ADAMSON UNIVERSITY GYM

BIG CHILL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANT

DUB UNLIMITED

FREEGO JEANS

JAI REYES

JEANS MAKERS

SHY

SUPER CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with