^

PSN Palaro

Dragon Boat race idaraos sa Pasig River

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pag­kakataon ay gagamitin ang Pasig River para ma­pagdausan ng karera sa dragon boat.

Sa Linggo isusulong ang karera sa nasabing ilog na tinawag na ‘Race to Raise Dragon Boat’ tournament na kung saan isa sa la­yunin ay makalikom ng pondo para itulong sa re­­habilitasyon nito.

Ang Philippine Canoe-Ka­yak Federation (PCKF) ang siyang utak sa kala­hating araw na karera ka­tuwang ang Pasig River Re­habilitation Commission (PRRC) at City of Manila bu­kod pa sa Intramuros Ad­ministration at Philippine Coast Guard.

May 13 koponan na ang nagpatala at isa ring in­sentibo sa mga maglalaro sa finals sa tatlong kate­goryang paglalabanan ay ang pagkakataong makatunggali ang men’s dragon boat team na sariwa pa sa pag­kapanalo ng gintong medalya sa 26th SEA Games sa Indonesia.

Binubuo ng manlala­rong nanalo sa 2009 World Dra­gon Boat Championships sa Prague, Czech Re­public at manlalaro mu­la PCKF, nagbunga ang bagong tambalan sa 500-meter men’s category matapos manaig sa Myanmar at Indonesia sa bilis na 1:53.95 tiyempo sa finals.

“Bukod sa pagtulong sa pagbuhay sa Ilog Pasig, ang pakarerang ito ay mag­bi­bigay rin ng pagkakataon sa men’s national team na ma­kitang lumaro ng publi­ko. Guest team lamang sila pe­ro ang mga makakalaban nila ay magkakaroon rin ng pagkakataon na ma­laman ang kanilang kalidad la­ban sa pinakamahusay na koponan sa bansa,” wi­ka ni national coach at tour­nament director Len Es­collante.

Sa 20-man long boat race ay ga­­gawin sa Jones Bridge hanggang Plaza Me­­xico sa Intramuros.

Ang mga kategoryang pag­lalabanan ay sa 500m mixed at 500m men’s open at 200m mixed novice para sa mga collegiate teams.

Sinahugan ang palaro ng P180,000 premyo.

ANG PHILIPPINE CANOE-KA

BOAT CHAMPIONSHIPS

CITY OF MANILA

CZECH RE

DRAGON BOAT

ILOG PASIG

INTRAMUROS AD

JONES BRIDGE

LEN ES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with