Margarito, Cotto nagdaos ng media workout

NEW YORK -- Nagdaos ng kanyang media workout si Antonio Margarito ng Mexico kahapon sa Kingsway Gym bilang paghahanda sa kanilang rematch ni Miguel Cotto ng Puerto Rico sa Linggo.

Idedepensa ni Cotto ang kanyang suot na WBA light middleweight laban kay Margarito.

Sina Cotto at Margarito ay parehong tinalo ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Isang media workout rin ang ginawa ni Cotto sa Trinity Boxing Club sa Greenwich Street sa ilalim ng kanyang bagong trainer na si Pedro Diaz.

Sina Cotto at Margarito ay dadalo sa final press con­­ference sa Biyernes sa Madison Square Theater.

Show comments