Pagbisita ni Gasol sa Pinas nadiskaril
MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ni Los Angeles Lakers' All-Star power forward Pau Gasol ang kanyang pagbisita sa Pilipinas sa Disyembre 1.
Magsasagawa sana si Gasol ng isang mission work sa Starkey Hearing Foundation kung saan mamamahagi sila ng mga hearing aids.
Ngunit napilitan si Gasol na kanselahin ang kanyang biyahe sa bansa matapos pakiusapan ni team captain Derek Fisher ang lahat ng Lakers players na magtungo sa Los Angeles sa Disyembre 3 kung saan boboto ang mga NBA players para sa bagong collective bargaining agreement (CBA).
Isang tentative agreement ang naratring ng mga NBA players at owners kamakailan na tumapos sa 149-day lockout.
Humingi naman ng paumanhin si Gasol sa kanyang mga Filipino fans mula sa kanyang Twitter Facebook account.
Nagparating rin ng kanyang mensahe si Gasol kay Talk 'N Text coach Chot Reyes na siyang mamamahala sa kanyang pagbisita sa bansa.
- Latest
- Trending