^

PSN Palaro

Depensa ng Azkals nakaatang sa homegrown players

-

MANILA, Philippines - Ang mga homegrown pla­yers ang siyang dedepensa para sa Philippine Azkals sa pagharap kay David Beckham at sa LA Galaxy sa kanilang “Dream Cup” match sa Sabado sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sina Negrense Eduard Sacapaño at Cebuano Paolo Pascual ang magba­bantay sa net para sa Azkals bunga ng paglalaro nina Neil Etheridge ng Fulham at Under-23 stalwart Roland Muller ng Duisburg sa Europe.

“Sacapaño & Pascual will be our GKs for the Dream Cup. Now, questions finally answered :),” sabi kahapon ni Azkals team coordinator Ace Bright sa kanyang Twitter.

Naglaro na si Sacapa­ño sa 1-2 kabiguan ng Azkals laban sa Mongolia sa AFC Challenge Cup playoffs qualifiers sa Ulan Bator, habang si Pascual ay naging backup ni Muller sa nakaraang 26th Southeast Asian Games.

Sina veterans Chieffy Caligdong, Phil at James Younghusband, Rob Gier, Ray Jonsson at Chris Greatwich ang babandera sa isang 30-man pool para sa Galaxy outing kasama ang ilang U-23 mainstays.

Kabilang sa mga bagu­han ay sina Matthew Uy at California-born Demitrius Omphroy, naglaro sa U-18 level para sa US at sa U-21 level para naman sa Panama.

 “We’re testing a few players who have not pla­yed with us before. This will be a good time for us to see how well they play in preparation for the 2012 AFC Challenge Cup as well as future matches,” sabi ni team manager Dan Palami.

ACE BRIGHT

AZKALS

CEBUANO PAOLO PASCUAL

CHALLENGE CUP

CHIEFFY CALIGDONG

CHRIS GREATWICH

DAN PALAMI

DAVID BECKHAM

DEMITRIUS OMPHROY

DREAM CUP

JAMES YOUNGHUSBAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with