^

PSN Palaro

4 ABAP boxers masagana ang Pasko

-

MANILA, Philippines - Isang masaganang Araw ng Pasko ang inaa­sa­han nina amateur boxers lightweight Charly Suarez, light welterweight Dennis Galvan, pinweight Josie Gabuco at light flyweight Alice Kate Aparri.

Inihayag kahapon ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Ricky Var­gas na ibibigay nila ang mga cash incentives na P300,000 kina Suarez, Galvan, Gabuco at Aparri sa kanilang Christmas party sa Disyembre 7 matapos ang kanilang kampanya sa 26th Southeast Asian Games sa Indoneisa.

“We promised, we an­nounced three years ago that Southeast Asian Games gold medalists will recieved P300,000,” wika kahapon ni Vargas. “The silver and bronze meda­list will also recieved cash incentives.”

Bukod sa apat na gi­n­tong medalya, sumuntok din ang mga amateur pugs ng isang pilak at isang tanso galing kina bantamweight Nesthy Petecio at Saludar, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa Republic Act 9064, ang mga gold me­dalists sa SEA Games ay tatanggap ng cash incentive na P100,000, habang P50,000 ang ibibigay sa silver medalist at P10,000 sa bronze medalist.

Sa 2011 SEA Games, kabuuang 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals ang nakolekta ng Team Philippines para tumapos bilang pang-anim sa overall standings.

Ang Philippine Sports Commission ay maglalabas ng P12.1 milyon bilang cash incentives ng naturang mga gold, silver at bronze medalists sa biennial event.

Matapos ang 2011 SEAG, paghahandaan na­­man ng ABAP ang qua­lifying tournament sa Ka­zakhs­tan sa Abril para sa 2012 London Olympic Games, ayon kay Vargas.

Tanging si light flyweight Mark Anthony Barriga pa lamang ang amateur boxer na nakakuha ng tiket para sa 2012 Olympic Games mula sa kanyang kampan­ya sa nakaraang Olympic qualifying.

Nasikwat ni Barriga ang Olympic berth nang makapasok ang tumalo sa kanyang si Zhou Shiming ng China sa finals at kunin ang 15-8 panalo laban kay David Ayrapetyan ng Russia sa 2011 AIBA World Championship sa Baku, Azerbaijan.

Sa International Bo­xing Association (Association Internationale de Boxe Amateur, AIBA) rules, ang dalawang boxers na nabigo sa Round-of-16 sa mga finalist ay makakapasok din sa Olympics.

Natalo si Barriga kay Zhou, 5-12, sa Round-of-16. 

ALICE KATE APARRI

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANG PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ASSOCIATION INTERNATIONALE

BARRIGA

BOXE AMATEUR

CHARLY SUAREZ

DAVID AYRAPETYAN

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with