^

PSN Palaro

FEU Tams wagi sa UE

-

MANILA, Philippines - Sa wakas nakawala na ang Far Eastern University sa kanilang kamalasan sa opening games sa UAAP women’s volleyball sa nakaraang dalawang sunod na season matapos igupo ang University of the East, 25-19, 25-14, 25-23 sa pagbabalik aksyon ng Season 74 kahapon sa The Arena sa San Juan.

Binanderahan ng ba­gitong si Mayjorie Rojas ang Lady Tamaraws sa pag­poste ng 12 hits, na sinuportahan ng malakas na performance ni Maica Morada nang magsumite ito ng 11 puntos at tatlong blocks.

Samantala, naglista si Sam Paquiz ng 26 hits at tatlong blocks habang nagtulungan naman sina Mico Lucindo at Luis Miguel Apostol sa paghataw ng tig-11 puntos upang balikatin ang University of the Philippines sa 25-22, 18-25, 18-25, 25-23, 18-16 panalo laban sa nagdedepensang fourt time champion University of Santo Tomas sa men’s side.

Tinalo ng Ateneo ang UE, 25-16, 25-23, 25-21 sa isa pang men’s game kung saan bumandera sina Ricci Gonzales at Duane Teves sa pagkamada ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Blue Eagles.

Ipinakita ng Lady Tamaraws, may hawak ng 29 UAAP women’s crown, ang kanilang determinas­yon sa season-opener na indikasyon ng pagiging seryoso para makarating sa Final Four matapos masibak sa huling dalawang season. 

vuukle comment

BLUE EAGLES

DUANE TEVES

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LADY TAMARAWS

LUIS MIGUEL APOSTOL

MAICA MORADA

MAYJORIE ROJAS

MICO LUCINDO

RICCI GONZALES

SAM PAQUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with