4 gold nilangoy ni Labao
MANILA, Philippines - Hindi lamang sa athletics kundi pati sa ibang sports ay nagpasiklab din ang host Baguio City sa idinadaos na Central at Northern Luzon qualifying stage ng 2011 Batang Pinoy.
Nagkaroon ng apat na ginto si Jenkins Lorenzo Labao sa larangan ng swimming na ginawa sa Athletic Bowl habang namayani rin ang atleta mula sa City of Pines sa judo at wrestling para katampukan ang produktibong hosting sa palarong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Smart, Maynilad at Summit Mineral Drinking Water.
Kampeon ang 13-anyos na 1st year high school student ng University of Baguio sa larangan ng boy’s 200m free, 200m medley relay, 100m back at 50m butterfly.
Tig-tatlong ginto naman ang hinablot nina Fil-Am Nathania Rockwood ng La Union at Patricia Jem Pangan ng Angeles City para magkaroon din ng maningning na kampanya ang kanilang kinakatawang rehiyon.
Sina David Caoili (38kg), Elizur Cayat (42 kg), Val Kindapan (47kg), Jerald Bosicao (53kg), Cristendon Martin (59kg), Roselyn Malbja (-44kg) at Minalyn Foy-os (52kg) ang mga nanalo sa Baguio na winalis ang pitong ginto sa wrestling competition.
May limang ginto pa ang Baguio sa judo na ibinigay kina Floyd Derek Rillera (-42kg),Rainer Zaparita (-46kg), Jerald Andre Kim (-55kg), Htai Andro Kienh Cudao (-60kg) at Derek Clarence Dino (-66kg) habang sina Ike Kevin Yagin (boys 1,500m), Agustina Anganayon (girls 1,500m), Reagan Contic (boys javelin throw), Stefanny Florez (1600m walk) Jasmine Felix (girls javelin throw) at boys at girls 4x100m at 4x400m relay ang napanalunan pa ng host sa athletics.
Nakasalo naman sa nagpasikat si Dexter John Lacuna nang manalo ito sa boys 14-15 200m free at 100m backstroke para sa Pulilan, Bulacan.
Ang mga nanalo ng ginto sa kompetisyong ito ay may puwesto na sa National Finals sa Naga City, Camarines Sur mula Disyembre 10 hanggang 13.
- Latest
- Trending