^

PSN Palaro

Weiss sisibakin na?

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - May posibilidad na mag­kakaroon ng bagong German coach ang football team ng bansa.

Ayon sa mga mapagka­katiwalaang impormante, di nagustuhan ng pamunuan ng Philippine Football Federation (PFF) ang di ma­gandang ipinakita ng Junior Azkals sa katatapos na 26th SEA Games na minandu­han ni German coach Michael Weiss.

Isang panalo lamang sa limang laro ang nakuha ng koponang binuo ng higit na nakararaming Fil-Fo­reigners. Pinakasamakit na pagkatalo ay nalasap sa Timor Leste sa 2-1 iskor.

Inako naman ni Weiss ang reponsibilidad sa di ma­gandang kinalabasan ng kampanya sa SEA Games na kung saan mismong ang team manager na si Dan Palami ay naunang naniwa­lang palaban ang team sa bronze medal.

Kinuha man ang res­pon­sibilidad ay hindi rin na­pigil ni Weiss na sabihan ang mga taong may ipinukol na mataas na ekspektasyon sa koponan na hindi pa na­rarapat ang ganitong pag­titiwala sa koponan.

“We were going against teams that has been playing together for years,” wika ni Weiss.

Hindi rin niya alintana ang mga ugong-ugong na balita sa napipintong pag-uwi dahil may mga pinaplano siyang programa sa Azkals na sasabak sa AFC Challenge Cup sa susunod na taon.

Pagdalo sa mga trai­ning camps sa Gulf Area at Japan bukod pa sa mga friendly matches ang nais niyang gawin sa Azkals upang mas mahubog ito para sa mala­laking torneo sa 2012.

Kasalukuyang nasa ban­­sa si German coach Eckhard Krautzun para tulungan ang Philippine Football Federation (PFF) na bumalangkas ng 8-year grassroots program at ito umanong pinakiusapan ng PFF para hilingin sa German Football Association na magpadala ng bagong coach sa Pilipinas.

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAN PALAMI

ECKHARD KRAUTZUN

GERMAN FOOTBALL ASSOCIATION

GULF AREA

JUNIOR AZKALS

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SHY

WEISS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with