^

PSN Palaro

Pacquiao-Mayweather fight paplantsahin na ni Arum?

-

MANILA, Philippines - Binigyan na ni Manny Pac­quiao ng ‘go signal’ ang kanyang business ad­viser na si Michael Koncz para kausapin si Bob Arum ng Top Rank Promotions kaugnay sa kanilang me­gafight ni Floyd Maywea­ther, Jr. sa susunod na ta­on.

 Si Koncz ay bumiyahe sa Las Vegas, Nevada kung saan naroon ang Top Rank office para makipag­pu­long kay Arum.

“He’s meeting with Bob to make the Mayweather fight,” wika ng source ng Fight­Hype.com kahapon.

“They’ve got the investors. The money is there. It’s what Manny wants. It’s just a matter of whether or not Bob is willing to make it hap­pen,” dagdag pa nito.

Nagmula si Pacquiao sa isang kontrobersyal na ma­jority decision victory la­ban kay Juan Manuel Mar­quez noong Nobyembre 13 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Kagaya ng mga boxing fans, gusto ring matuloy ni­na chief trainer Freddie Roach at strength and con­ditioning coach Alex Ari­za ang megafight nina Pac­quiao at Mayweather. 

“I’m with Freddie we want a Mayweather fight, next,” wika ni Ariza, sinasabing nakagalit ni Pacquiao ba­go ang pakikipagtagpo kay Marquez.

Ayon pa kay Ariza, ma­ra­ramdaman ng 34-anyos na si Mayweather na ka­yang-kaya niyang talunin si Pacquiao matapos mabigo si ‘Pacman’ na mapabagsak ang 38-anyos na si Mar­quez sa kanilang ‘trilo­gy’.

“Maybe Manny not ha­ving his “A game” will en­tice Floyd into the fight,” sa­­­bi ni Ariza. “I do think they (Marquez/Pacquiao) should fight again but let’s try something else for now a Marquez fight is always there.”

Dalawang beses nang na­balam ang Pacquiao-May­weather super bout da­hil na rin sa ilang isyu na pi­nalitaw ng undefeated Ame­rican fighter.

Ilan rito ay ang pagsaila­lim nila sa isang Olympic-style random blood at urine tes­ting pati na ang tungkol sa purse split.

Nauna nang nagpa­ramdam ang adviser ni May­weather na si Leonard Ellerbe kaugnay sa muling pag-akyat ng American bo­xer sa boxing ring sa Mayo 5, 2012 laban sa isang ‘litte fella’.

Ang tinutukoy ni Mayweather na ‘little fella” ay si­­nasabing si Pacquiao at hindi si Erik Morales na na­u­nang hinulaan ni Arum.

Pinabagsak ni Maywea­ther si Victor Ortiz sa fourth round noong Setyembre mu­la sa sinasabi niyang “le­gal sucker punch” para ma­agaw sa huli ang hawak ni­tong WBC welterweight title.

Samantala, isang he­ro's welcome naman ang ta­­tangga­pin ng Sarangani Congressman sa kanyang pag-uwi sa General Santos City ngayong araw.

Naghanda ang lungsod ng isang motorcade kung sa­an sasakay si Pacquiao sa isang float na may naka­kabit na higanteng title belt.

ALEX ARI

ARIZA

BOB ARUM

LAS VEGAS

MARQUEZ

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with