MANILA, Philippines - Pinalawig ng Freego Jeans ang malakas na panimula sa PBA D-League Aspirants Cup nang kunin ang ikalimang sunod na panalo mula sa 61-54 pagdaig sa Cobra Energy Drink kahapon sa Adamson University Gym.
Pumukpok ang Jeans Masters sa second half para makalayo sa Ironmen at palakasin ang tsansa sa semifinal round.
Isang 23-5 run na ginawa sa pagtatapos ng first period hanggang sa kalagitnaan ng second quarter ang pinakawalan ng koponan ni coach Leo Austria para itulak ang Ironman sa ikalimang sunod na kabiguan.
Nadugtungan naman ng Boracay Rum ang pagpapanalo nang kunin ang 63-61 tagumpay laban sa RnW Pacific Pipes.
Si Toting Bandaying ang siyang tumayong bida para sa Waves nang naipasok ang drive may 6.7 segundo sa orasan.
Nasayang naman ang dalawang opensa ng Steel Masters nang pituhan ng 5-seconds inbound violation si Fil-Am Virgil Buensuceso at traveling violation si Jim Viray para malaglag sa 3-3 karta.