Alas nagbida sa panalo ng Cebuana sa Blackwater

MANILA, Philippines - Nagbaga ang mga ka­may ni Kevin Alas sa se­cond quarter para pa­ngu­nahan ang paglayo ng Cebuana Lhuillier patu­ngo sa 73-52 panalo sa Blackwater at masolo ang ikalawang puwesto sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa Trinity University of Asia Gym.

May 18 puntos si Alas at 11 rito ay ginawa niya sa second period para bigyan ang Gems ng 42-28 bentahe.

Nag-ambag ng tig-12 puntos sina Vic Manuel, Jai Reyes at Terrence Romeo para sa Cebuana na may 4-1 karta, habang 3-2 baraha ang Blackwater.

Ang panalo ay tinabunan ng 71-62 pananaig ng Café France laban sa da­ting walang talo na Big Chill.

Hindi napigil sa second half si Mac Montilla na tumapos na may 25 puntos para ibigay sa Bakers ang 2-5 marka.

Nagtala si Jeff Viernes ng 21 marka para mabalewala ang 30 ni Jessie Collado sa Super Chargers na may 3-1 baraha.

Show comments