Alas nagbida sa panalo ng Cebuana sa Blackwater
MANILA, Philippines - Nagbaga ang mga kamay ni Kevin Alas sa second quarter para pangunahan ang paglayo ng Cebuana Lhuillier patungo sa 73-52 panalo sa Blackwater at masolo ang ikalawang puwesto sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa Trinity University of Asia Gym.
May 18 puntos si Alas at 11 rito ay ginawa niya sa second period para bigyan ang Gems ng 42-28 bentahe.
Nag-ambag ng tig-12 puntos sina Vic Manuel, Jai Reyes at Terrence Romeo para sa Cebuana na may 4-1 karta, habang 3-2 baraha ang Blackwater.
Ang panalo ay tinabunan ng 71-62 pananaig ng Café France laban sa dating walang talo na Big Chill.
Hindi napigil sa second half si Mac Montilla na tumapos na may 25 puntos para ibigay sa Bakers ang 2-5 marka.
Nagtala si Jeff Viernes ng 21 marka para mabalewala ang 30 ni Jessie Collado sa Super Chargers na may 3-1 baraha.
- Latest
- Trending