SBP tututukan ang paghahanda sa 2013 FIBA-ASIA meet
JAKARTA , Indonesia --- Matapos makuha ang korona sa men’s basketball event ng 26th Southeast Asian Games, ang koponan namang ilalahok sa 2013 FIBA-Asia Championships ang tututukan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Ilan sa mga miyembro ng Sinag Pilipinas ang maaaring maibilang para sa “Gilas II” na siyang isasabak rin ng SBP sa World Championships sa 2014.
“We didn’t talk about Gilas II here as we wanted the players to focus on winning the championship here,” wika ni Gilas operations director Butch Antonio. “But now that the mission here is done, yes I can say that the SBP already has a plan for Gilas II. These players are likely to make the pool.”
Isang ‘formula’ ang inilatag ng SBP ni Manny V. Pangilinan na sisimulan ng pagpoporma ng coaches’ pool na magiging kandidato para sa pagiging national head coach.
Ilan sa mga ikinukunsidera ay sina Norman Black, PBA coaches Chot Reyes ng Talk ‘N Text, Ryan Gregorio ng Meralco, Tim Cone ng B-Meg at assistant Jong Uichico ng Barangay Ginebra.
“Tim Cone and Jong Uichico will be asked if they’re willing to join the program,” wika ni Antonio.
Alam na nina Black, Reyes at Gregorio ang programa ni Pangilinan para sa Gilas Pilipinas.
Sina Reyes at Gregorio ay nagsilbi nang assistant ni Serbian mentor Rajko Toroman sa nakaraang FIBA-Asia Men’s Championships.
Nagtapos na ang kontrata ni Toroman bilang coach ng national team ngunit iimbitahan pa rin siya para sa Gilas II program.
“It’s up to him if he wants to be part of the pool,” sabi ni Antonio kay Toroman.
Posibleng tumayo si Toroman bilang consultant sa mailuluklok na bagong Filipino head coach.
Inilampaso ng Sinag ang Thailand, 85-57, sa finals kamakalawa ng gabi para sa gintong medalya.
- Latest
- Trending