MANILA, Philippines - Kagaya ng kanyang sinabi bago ang 26th Southeast Asian Games sa Indonesia, rerepasuhin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang performance ng mga National Sports Associations.
Ayon kay Garcia, ihihiwalay ng PSC ang mga ‘performing’ NSAs sa mga ‘ non-performing’ matapos ang biennial event.
"We will start to review the performance of the NSAs and classify them under performing and non-performing," wika kahapon ni Garcia.
Ang mga NSAs na hindi nakakuha ng gintong medalya ay bibigyan lamang ng PSC ng 50% nitong pondo para sa 2012.
Ang mga medal winners naman ay mananatili sa Class A at ang mga nabigong makasikwat ng medalya ay bababa ng ranggo o tuluyan nang aalisin sa national training pool.
Ang komisyon na rin ang magmo-monitor sa atleta ng mga NSAs simula sa susunod na taon.
Noong 2007 SEA Games sa Thailand, tumapos rin ang Team Phl sa sixth place mula sa naiuwing 41 gold, 91 silver at 96 bronze medals.