^

PSN Palaro

Mga NSAs mananagot sa sports commission

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Kagaya ng kanyang sinabi bago ang 26th Southeast Asian Games sa Indone­sia, rerepasuhin ni Philippine Sports Com­mission (PSC) chairman Richie Garcia ang performance ng mga National Sports As­sociations.

Ayon kay Garcia, ihihiwalay ng PSC ang mga ‘performing’ NSAs sa mga ‘ non-per­forming’ matapos ang biennial event.

 "We will start to review the performan­ce of the NSAs and classify them under per­forming and non-performing," wika ka­hapon ni Garcia.

Ang mga NSAs na hindi nakakuha ng gintong medalya ay bibigyan lamang ng PSC ng 50% nitong pondo para sa 2012.

Ang mga medal winners naman ay mananatili sa Class A at ang mga na­bigong makasikwat ng medalya ay ba­baba ng ranggo o tuluyan nang aalisin sa national training pool.

Ang komisyon na rin ang magmo-mo­nitor sa atleta ng mga NSAs simula sa susunod na taon.

Noong 2007 SEA Games sa Thailand, tumapos rin ang Team Phl sa sixth pla­ce mula sa naiuwing 41 gold, 91 silver at 96 bronze medals.

AYON

CLASS A

GARCIA

NATIONAL SPORTS AS

PHILIPPINE SPORTS COM

RICHIE GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with