86,547 runners naitala sa Run for the Pasig River
MANILA, Philippines - Bumilang lamang sa 86,547 ang mananakbong nakiisa sa Run for the Pasig River kahapon na nagsimula sa kahabaan ng Roxas Boulevard at nagtapos sa SM Mall of Asia.
Umabot sa 120,000 ang nagpatala at nagbayad ng registration fees at kahit hindi lahat ay nakatakbo, masasabing pinakamalaking bilang pa rin ang naitala kung ang mga lumahok sa patakbo ang pag-uusapan sa taong ito.
Layunin ng advocacy run na makalikom ng malaking halaga na igugugol sa paglinis ng Pasig River.
Nakatoka sa taong ito ang paglilinis ng Estero de San Miguel na nasa likod lamang ng Malacañang.
"It shows who we are as a people. The number don't matter, there's not doubt about it. The students came, the army and police were here and the private sector was here in full force," wika ni Gina Lopez, ang managing director ng ABS-CBN Foundation na nagtatag sa Kapit Bisig para sa Ilog Pasig (KBPIP).
Noong 2010 ay pumalo sa 160,000 ang mga tumakbo para kilalanin ng Guinness Book of Record bilang pinakamalaking grupo sa isang araw na karera.
- Latest
- Trending