^

PSN Palaro

Cue artists tumumbok ng 3 gold, 2 silver, 3 bronze medals

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indo­ne­sia – tatlong gintong me­dalya ang naging kontribusyon ng national billiards and snooker team mula sa 26th Southeast Asian Ga­mes dito.

Ang dalawang gold me­dal ay nanggaling kay Iris Ranola, habang ang ikat­lo ay galing kay Dennis Or­collo.

Si Ranola ang nagreyna sa 8-ball at 9-ball event singles sa women’s division, samantalang si Orcol­lo ang naghari sa men’s 9-ball.

Ang tatlong gold medal ang siyang dumuplika sa na­kolekta ng bansa noong 2009 SEA Games sa Laos.

Ang kababayang si Ru­blien Amit ang nagdomina sa women’s 8-ball at 9-ball singles sa nakaraang SEA Ga­mes.

Maliban sa tatlong gintong medalya nina Ranola at Orcollo, tumumbok rin ang koponan ng dalawang pi­lak at tatlong tanso.

“It is the best performance by far by the billiards/snooker team despite some other good cue artists in the region showing up here,” wika ni billiards asso­ciation secretary-general Ro­bert Mananquil.

Ang dalawang silver me­dals ay nanggaling kina Amit (9-ball singles) at Fran­cis­co dela Cruz (carom 1-cushion), habang ang tat­­long bronze medals ay nag­mula kina Reynaldo Gran­dea at Efren ‘Bata’ Re­yes.

Pumangatlo rin si Re­yes sa carom 1-cushion.

Nasibak naman si Fran­cis­co 'Django' Bustamante kay Ricky Yang, 3-8, sa se­mifinal round ng 8-ball singles.

Tumapos ang Thailand na may 2 gold, 2 silver at 1 bron­ze medal kasunod ang Vietnam (2-1-5), Indonesia (1-3-2), Singapore (1-1-3), Malaysia (1-0-3), 2013 host Myanmar (0-1-4) at Brunei (0-0-0).

 "We look forward to the 27th SEA Games in Myan­mar and would strive to maintain the three gold me­dals in pool with the goal of making it four," sabi pa ni Ma­nanquil. "We congratulate our athletes who did their best and surpassed the association’s expectations."

BALL

BATA

DENNIS OR

FRAN

IRIS RANOLA

REYNALDO GRAN

RICKY YANG

SHY

SI RANOLA

SOUTHEAST ASIAN GA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with