^

PSN Palaro

Guinness Book world record pipiliting burahin sa Pasig Run

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi man batid kung mabubura ang hawak na record sa Guinness, kumbinsido naman ang tagapagtaguyod ng Run for Pasig River na maisasakatuparan ang ultimong adhikain na patakbo na gagawin ngayong umaga mu­la sa kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa SM Mall of Asia sa Pasig City.

Inaasahang libu-libong tao ang makikiisang muli sa ad­vocacy run na ang layunin ay makalikom ng pondo na gagamitin para linisin ang Pasig River.

Ang mga dadalo ay lalahok sa patakbong inilagay sa 10-k, 5-k at 3-k distansya, habang mga kilalang perso­nalidad sa pangunguna nina ABS-CBN Corporation pre­sident Eugenio Lopez III, Ayala Corporation president Fernando Zobel De Ayala at Fred Uytengsu ng Alaska Milk Corporation ang tatakbo sa 21-K Charity Run.

Noong nakaraang taon ay pumalo ng 116,000 ang bi­lang ng mga tumapos sa karera na siya ngayong kiniki­lalang rekord sa Guinness Book bilang pinakamalaking bilang sa isang araw na pakarera.

Tumabo ng P5 milyong kita ang patakbo noong 2010 at umaasa ang organizer na ABS-CBN Foundation na ga­nito rin kundi man ay mas malaki pa ang kikitain sa taong ito na gagamitin para linisin ang Estero de San Mi­guel na nasa tabi ng Malacañang.

ALASKA MILK CORPORATION

AYALA CORPORATION

EUGENIO LOPEZ

FERNANDO ZOBEL DE AYALA

FRED UYTENGSU

GUINNESS BOOK

K CHARITY RUN

MALL OF ASIA

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with