^

PSN Palaro

Sinag Pilipinas puntirya ang gold sa men's basketball

- Ni BRMeraña -

JAKARTA, Indonesia --- Ti­nalo na ng Sinag Pilipinas ang Thailand sa eli­mination round ngunit pa­ra kay coach Nor­man Black, bilog ang bo­la at di da­pat magkumpiyansa.

“We can’t take any team for granted. For us to win, we need to work hard,” wika ni Black.

Sasagupain ng Pilipinas ang Thailand nga­yong alas-7 ng gabi dito sa Bri­tama Arena para sa gintong medalya sa 26th SEA Ga­mes men’s basketball.

May 4-0 karta ang kopo­nan at dinurog ang oposis­yon sa pamamagitan ng 41-point winning margin. 

Ang Thais ay kanilang ini­lampaso, 103-69, sa group elimination.

“Our goal is to win the cham­pionship,” dagdag pa ni Black.

Lahat ng ginagamit ng UAAP champion coach ay tu­mutulong at iba’t-ibang man­lalaro ang siyang luma­labas na highest pointer sa mga nagdaang laro patunay kung gaano kalalim ang kan­yang koponan.

Ngunit alam ni Black na may kakayahang manalo ang Thais dahil may mahu­husay silang point guards bu­kod sa katotohanang ang kanilang malalaking pla­yers ay may husay kung pag­buslo sa labas ang pag-u­u­sapan.

“We really have to work hard in containing their guards when they come off with those screens. But at the same time we have to be able to get back at their big men to keep them from pop­ping up with their jump shots and three points,” paliwanag pa ni Black.

Tangka ng Pilipinas na sung­kitin ang ika-15 ginto sa 16 edisyon na isinama ang basketball sa SEA Games.

Nagsimula ang basketball sa SEAG mula noong 1977 pero hindi nailaro ang team sport sa 2005 Philippine SEAG at noong 2009 sa Laos.

Ang tanging kabiguan na nalasap ng bansa ay no­ong 1989 sa host Malay­sia pero matapos nito ay pi­nanalunan ng ipinadalang team ang sumunod na pitong edisyon.

Huling titulo ay nangyari no­ong 2007 sa Thailand at winalis ng mga Pinoy ang ka­laban gamit ang 42-point winning average.

ANG THAIS

BRI

HULING

LAHAT

NAGSIMULA

NGUNIT

PILIPINAS

PINOY

SHY

SINAG PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with