^

PSN Palaro

Pinas tumubog ng 4 gold sa boxing at softball

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indonesia --- Matagumpay na pag­depensa sa hawak na titulo ang ginawa nina la­dy pugs Josie Gabuco at Alice Kate Aparri upang bigyan na ng dalawang ginto ang kampanya ng national bo­xing team sa 26th SEA Ga­mes kagabi dito.

Lumabas ang husay sa ring at pinaglaruan lamang ni­na pinweight Gabuco at light flyweight Aparri sina Trinh Thi Diem Kei ng Vietnam at Thet Htar San ng Myan­mar, ayon sa pagkakasunod, para samahan ang Blu Boys at Blu Girls na naunang winalis ang mga gintong medalya sa la­rangan ng softball.

Isang 18-5 iskor ang kinuha ni Gabuco laban kay Kei at sa unang tatlong rounds at talagang bugbug sarado ang Vietnamese bo­xer dahil umabante agad ang pambato ng Pilipinas sa 12-3 iskor.

Wala ring hirap na 20-4 panalo ang kinuha ni Aparri kay Thet na nakaiskor la­mang ng tig-isang puntos sa apat na rounds na bakbakan.

Natalo si Nesthy Petecio kay Peamwliai Laopeam ng Thailand sa fi­nals, 10-16, sa bantamweight para sa kanyang silver.

Bago makuha ang dala­wang gin­­to ay nagpa­sikat muna ang softball teams na pi­nangunahan nina pit­chers Florante Acuna at Julie Marie Muyco pa­ra pataubin ang Indonesia at Thailand sa finals ng magkabilang dibisyon.

Nakitaan ng husay ang mga pitchers na sina Acuna at Muyco upang pangunahan ang paghablot ng dalawang ginto para patunayan na ang Pilipinas pa rin ang hari sa team sport na ito sa Southeast Asia.

Nagpakatatag si Acuna ma­tapos makuha ng host Indonesia ang 1-3 kalama­ngan sa pagtatapos ng ikat­long inning at hin­di niya paiskorin ang home team, ha­bang ang mga batters ay ku­molekta ng anim na runs tungo sa 7-3 panalo.

Mas madali namam ang tinahak na landas ng Blu Girls nang magbigay la­­mang ng tatlong hits at hu­­mirit ng 12 strikeouts si Muyco para sa 6-0 shutout win laban sa Thailand.

Ang Pilipinas ay mayroon ngayong 23 gold, 41 silver at 59 bronze medal pero kung maaabutan pa ang pumapanlimang Singapore ay isa pang mala­king katanungan dahil ang nasabing bansa ay angat ng 17 gold sa 39-41-70 me­dal tally.

Malayo na ang Indonesia sa 137 gold,109 silver at 100 bronze medals, habang ang Thailand ang pu­mapangalawa sa 81-76-90 at angat ng apat sa Vietnam na nalaglag sa ikatlo sa 77-72-76 medal tally. Ang Malaysia ang na­sa ikaapat sa 47-43-63 medal tally.

Tig-isang silver naman ang ambag ng equestrian show jumping team nina Michelle Barrera, Toni Leviste, Diego Lorenzo at Joker Arroyo, ang international 470 class sailing tandem nina Rommel Chavez at Ridgely Balladers at ni sprint cylist Filipina-Aussie Apryl Eppinger sa 500m race.

Nalalagay sa alanganin ang paghahabol ng bansa ma­tapos masibak ang mga tinitingala sa tennis, judo at billiards na sina Fil-Am Ce­cil Mamiit, John Baylon at Francisco “Django” Bus­tamante laban sa mga local bets.

Natalo si Mamiit, nag­ha­ri noong 2005, 2007 at 2009, kay Christopher Ben­jamin Rungkat, 6-2, 4-6, 7-6 (6), sa semifinals pa­ra sa bronze medal.

ACUNA

ALICE KATE APARRI

ANG MALAYSIA

ANG PILIPINAS

APARRI

BLU BOYS

BLU GIRLS

CHRISTOPHER BEN

DIEGO LORENZO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with